Post by JoJoCrisologo on Feb 29, 2004 4:09:45 GMT -5
... Madali lang ba Magpaalam? ..
Jojo Crisologo
02/26/2004
... pang-ilan ka na ba sa nag-iwan sa akin?
.. pang-ilan ka na ba sa nagsabi sa akin..
"See you later .."
"See you around..."
" See you when You See me.."
"Kita na lang tayo next time..."
"Ewan ko kung magkikita pa tayo..."
"Bahala na.."
...pang-ilan ka na nga pala sa mga nakasama ko,
na di ko inasahan na iiwan din pala ako sa bandang huli..
.. pang-ilan ka na nga pala sa mga akala ko,
tatagal sa tabi ko..
na makukwentuhan ko pa ng mga nangyayari sa akin,
na masasabihan ko pa ng mga topak ko sa buhay...
Marami na rin pla..
nakakarami na ako..
Kung gaano kabagal ang dating
ng mga salita at pakiramdam,
siyang bilis ng pagdating at pag-layo mo...
Bakit laging ganun?
Kung kelan nakakarami na ako ng
naisusulat sa diary ko,
saka mo gagawing blangko ang mga susunod na pahina..
Kung kelan napapadalas na
ang mga pagtingala ko sa kawalan,
sa kakaisip sa iyo...
Saka mo naman naisipan pumunta sa
di ko maintindihan...
Kung kelan nagiging maayos na ang lahat,
saka mo naman naisip guluhin ang mga bagay-bagay...
Ano ba magagawa ko..
Kasama ito sa script...
Di ko kayang diktahan ang direktor,
Di ko pwede pangunahan ang producer...
Tao lang ako para umarte sa naaayon,
Ako lang ito,
para maniwala sa dapat paniwalaan..
Ako lang ito,
para makamit ang para lang sa akin....
Kasama sa ikot ng mundo ang paglayo ng bawat isa...
Para itong ulan na di mo kailanman pwede pagbawalan...
Bubuhos ito,
sa ayaw mo o sa gusto....
.. Pang-ilang beses na ba ako nanghinayang sa mga dapat ko pa maranasan?
..pang-ilan na ba ako sa mga di pa nadadala sa aral ng mundo?
Na dapat tayong matutong magpaalam?
na sa oras na napasakamay natin ang isang bagay,
Handa dapat tayong mawala ito,
sa mismong oras na iyon...
Sa panahong nakita mo na kung sino ang dapat mo mahalin,
handa ka dapat pakawalan siya sa mismong oras na iyon...
Dahil kung hindi...
Di natin kakayanin ang sakit...
Ang sakit na mawalan sa oras na di mo inaasahan...
... Pang-ilan ka na ba sa nawala sa akin...?
... pang-ilan na ba ako sa mga nagtataka kung bakit...?
Kung pwede lang kita sundan sa iyong patutunguhan,
Baka di na ako nagtaka pa..
Kung Pwede lang akong
mawala sa isang iglap,
At matagpuan ang sarili sa lugar kung nasaan ka...
malamang,
di na ako magtataka pa...
ganito ba kahirap magpaalam..?
mahirap talaga....
kapag alam mo nang di ka na sisikatan ng araw...
dahil sa lungkot na nadarama...
Ganito lang ba kadali mag-paalam....?
Siguro nga...
Di ko alam...
At ayoko nang malaman pa............